Image via Wikipedia
Published on Socyberty, Feb 7, 2011 Category – Issues
When my father was still alive, he often told me these things: When you fall down, don’t look at the place where you fell but look back and find the cause of your fall.
Tunay na likas sa tao ang matakot
Na mabigo at ito’y magdudulot ng kirot
Damdaming hadlang sa pangarap na ibig maabot
Isang kahinaan na magbubunga ng lungkot…
Ang iba’y nais na lamang yakapin ang isang sulok
Hahayaan na masugatan ang puso sa pag-iyak
At iibigin na lamang na sa kristal na luha’y maligo
Dahil sa takot na masaktan at mabigo…
Tayo ay bunga ng mapagpalang pag-ibig
Taglay natin ang tapang at matibay na dibdib
Sandatang panlaban sa anumang pagsabak
Nguni’t pinanghinaan at pinabayaang magapi’t malupig…
Ang mabigo ay bahagi ng ating buhay
Mapait na katotohanan at puno ng lumbay
Sakit na magpapabago ng ating pagkatao’t paniniwala
At kapag minalas maagang maghahatid sa atin kay Bathala…
Hahayaan ba nating madaig nitong salot
Na hindi lalaban sa sobrang takot?
Hanggang sa madurog ang pakpak ng pangarap
Pati mga buto nati’y magkadurog-durog?
Pakinggan natin ang langitngit ng kawayan
Sila’y umaawit na puno ng kasiyahan
Sa tuwing hahampasin ng hanging Amihan
Sila’y dadapa sa tuwa’t babangon muli na nakangiti…
Ang mabigo ay hindi dapat katakutan
Harapin natin itong walang pag-aalinlangan
Tanggalin ang takot sa puso’t isipan
Mga kapaitan sa buhay ay tiyak malalampasan!
No comments:
Post a Comment